Posts

Showing posts from September, 2020

Kahalagahan ng Teknikal Bokasyonal na Sulatin

    Ang teknikal bokasyonal ay isang napakahalaga klase ng sulatin sa larangang may espesyalisdong bokabularyo tulad ng agham pangkalusugan, inhenyera o teknolohiya. Layunin nitong makapagbigay alam, makapag- analisa ng mga pangyayari at implikasyon at manghikayat at mang impluwensya ng desisyon. Nakapaloob sa sulating ito ang lahat ng impormasyon ang nais mong malaman sa isang proyekto.   Teknikal-bokasyonal na sulatin maari din itong gabay sa mga susunod na henerasyon batay sa larangan na kanilang papasukin dahil nakapaloob sa sulating ito na ang angkop at sapat na impormasyon na nais nating makuha at malaman. Ang mga gamit ng teknikal bokasyonal na pagsulat ay upang maging batayan sa desisyon ng mamahala magbigay ng kailangan impormasyon, mapaliwanag ang teknik. Mahalaga talaga ito dahil kung wala ito hindi tayo magkakaroon ng impormasyon at mauunawaan ang mga bagay sa ating paligid.